Monday, March 21, 2011

Si Kiko at ang Dreadlocks

Ilang linngo na din ang nakalipas mula ng maibitahan si Kiko Rustia ng aming propesor sa isang pagtalakay tungkol sa cultura. Maganda nag naging flow ng discussion at madami akong natutunan na mahahalagang bagay tungkol sa pagkatao ni Kiko Rustia at kasama na dito ang kanyang buhok.

Sino nga ba si Kiko Rustia?

Kung ikaw ay nanonood ng Survivor Philippine Edition 1st Season sa GMA eh malang kilala mo siya. Siya lang naman ang masasabi kong kakaiba sa mga kasali sa reality game show na yon.

Ano ba ang kakaiba kay Kiko o ano ba ang pinagkaiba niya sa ibang players?

Una kong napansin kay Kiko eh yung  buhok niya. Nung una super freak out ako pag nakakakita ako ng ganong klaseng buhok pero di nagtagal eh nasabi ko nalang na cool pala yun. Ang tawag sa porma ng buhok ni Kiko ay dreadlocks o kaya minsan eh tinatawag din itong dreads. Ayon sa pagbabasa ko online, ang dreadlocks ay isang klase ng porma ng buhok na kung saan eh ginaganchilyo ang buhok para magkaroon ito ng kakaibang texture. Medyo high maintenance nga lang ang ganong klaseng buhok kasi naman kailangan weekly mo ipaparetouch para ipasok ulit ang mga buhok nag nag sisilabasan. Isa pang mahirap gawin pagdating sa ganong klaseng buhok eh ang pagpapaligo dito. Umaabot ng mahigit sa isang oras ang pag shampoo, pag banlaw ant pagpapatuyo dito. Sa kaso ni Kiko naman eh nung una ko siyang makita eh naamaze ako kung paano niya napanatili ito ng hindi man lang nagmumukhang kadiri. 

Ang video na iyan any galing mula sa isang interview ni Jessica Soho kay Kiko Rustia.

Ito ay isang halimbawa ng dreadlocks.

Malaki ang nagiging papel ng culture sa ating buhay. Sabi nga ni Kiko eh matuto tayong tanggapin kung ano tayo at wag natin itong ikahiya. Si Kiko nagsimula bilang isang simpleng tao pero habang tumatagal eh lalo siyang nag crave na may kulang pa sa kanyang pagkatao. Nag kwento siya sa aming klase kung paano niya nabago ang kanyang sari simula ng mapadpad ito sa Boracay 3 years ago at nalam kong na inlove siya sa buhay isla at natuto siyang maging bahagi ng culture nito.

Marami akong natutunan sa naging talk ni Kiko. Naikwento niya rin yung mga adventure na nagawa na niya at yung mga lugar na napuntahan na niya dito sa Pilipinas. Naikwento niya din yung mga lugar dito na di ko akalaing mayroon pala tayo tulad ng Tinuy-an na tinatawag ding Niagara Falls of the Philippines at marami pa siyang nabanggit na iba pang lugar. Nainspire ako kay Kiko na muling mag adventure trip. Katulad niya, gusto ko ding madiscover kung ano pa ba ang itinatago ng Pilipinas when it comes to its beauty and culture.

Tinuy-an Falls in Davao


Isang napakagandang experience ang makakilala ng isang tao na hindi lang puro pisikal ang kayang ipakita bagkus kaya nitong dahil ang sarili nya at ipagmalaki kung sino siyang talaga. Saludo ako kay Kiko Rustia at sana sa susunod eh makita ko ulit siya at masabi sa kanya kung gaano niya ako nainspire at kung gaano siya ka cool.




No comments:

Post a Comment